Itinakda na lamang sa Hunyo ng susunod na taon ang pre-trial hearing ng Sandiganbayan sa kasong plunder at graft ni dating Senador Juan Ponce Enrile.
Ito’y makaraang hilingin mismo ng prosekusyon sa anti-graft court na ipagpaliban ang pagdinig kahapon dahil may ilang dokumento pa silang hindi namamarkahan bilang ebidensya.
Gayunman, may mga itinakdang petsa ang anti-graft court para sa prelimenary conference hanggang sa Mayo ng susunod na taon para mamarkahan ang mga ebidensya laban sa dating Senador.
Nag-ugat ang kaso sa pagkakamal umano ni Enrile sa kaban ng bayan dahil sa pagkakasangkot nito sa kontrobersyal na Pork Barrel Fund scam ni Janet Lim Napoles.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc