Tinuldukan na ng Panel of Prosecutors ng Department of Justice ang pagdinig sa mga kaso laban kay Senadora Leila De Lima.
Ito’y makaraang ideklara ng panel na submitted for resolution na ang mga kasong isinampa ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption, National Bureau of Investigation, at ng mga dating NBI Deputy Director na sina Atty Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda bukod pa sa isinampang kaso ng inmate na si JB Sebastian.
Kasabay nito’y maituturing nang ibinasura ng panel ang mga mosyon ni De Lima na humuling na ipasa na lamang sa Ombudsman ang mga kaso at mag-inhibit ang panel sa paghawak ng mga ito.
By: Avee Devierte / Bert Mozo