Tatapusin na ng panel of prosecutors ng Department of Justice ang pagdinig sa kaso ng dinukot at pinatay na koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Sa pagdinig kahapon, itinakda ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Naverra ang huling pagdinig sa Biyernes, March 17, 2017.
Ito ay para mabigyan ng pagkakataong makapagsumite ng kontra salaysay si Superintendent Allan Macapagal na isa sa mga respondent.
Inireklamo ng National Bureau of Investigation si Macapagal ng obstruction of justice kasunod ng nangyaring raid sa Gream Funeral parlor kung saan sinasabing nakita ang golf club na pag-aari ni Jee.
By: Avee Devierte / Bert Mozo