Sinimulan nang dinggin ng Sandiganbayan ang kasong perjury o pagsisinungaling laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Ang di umano’y maling mga deklarasyon ni Corona sa kanyang SAL-N o Statement of Assets Liabilities and Networth ang naging ugat nang matanggal siyang Chief Justice sa pamamagitan ng impeachment.
Inaasahang dedesisyunan ng Sandiganbayan ang inihaing motion to quash ni Corona.
Sa kanyang mosyon ay binigyang diin ni Corona na depektibo ang mga impormasyong nakalagay sa kanyang asunto dahil hindi naman napatunayang sinadya niyang huwag magdeklara ng tama sa kanyang SAL-N.
Iginiit ni Corona na protektado ng rule of bank confidentiality ang mga bank account na sinasabing hindi niya idineklara sa kanyang SAL-N at pinapayagan rin ng batas na itama ang anumang pagkakamali sa SAL-N.
By Len Aguirre