Nakansela ang nakatakdang pagdinig sa kasong plunder nina dating Senador Bong Revilla Jr., Janet Lim Napoles at iba pa, ngayong hapon.
Ito ang naging desisyon ni Sandiganbayan 1st Division Chairman Justice Efren Dela Cruz matapos na aminin ng prosekusyon na wala na silang maipi-presenta pang testigo.
Kaninang umaga ay humarap sa pagdinig ang testigo ng prosecution na si Junilyn Pagunsan, isang field investigator ng Office of the Ombudsman.
Kaugnay nito, umalma si Revilla sa muling pagkaka-antala sa pagdinig ng kanyang kaso at iginiit na dapat ay kumpleto ang mga testigo ng prosecution bago ito humarap.
Muling namang itinakda ang susunod na pagdinig sa Hulyo 27.
By Krista De Dios | With Report from Jill Resontoc