Ipinagpaliban ng Makati Regional Trial court branch 150 ang pagdinig sa kasong rebelyon laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa naging pasiya ni Makati RTC branch 150 Judge Elmo Alameda, muling ni-reset ang pagdinig sa binuksang kaso laban kay Trillanes sa Abril 20.
Ito ay bunsod aniya ng kawalan ng maiharap na testigo ng prosecution.
Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes, tila nahihirapan ang prosekusyon na iharap ang mga orihinal na testigo sa kaso dahil sa sobrang tagal na rin ng pagkakabasura sa kaso.
Dagdag ni Robles, ibang prosecution team din kasi ang kasalukuyang humahawak sa kaso ni Trillanes kumpara sa humawak dito, 12 taon na ang nakakalipas.