Itutuloy sa March 20 ang pagdinig sa kinakaharap na kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa Makati RTC.
Sa nasabing petsa, ayon sa korte, inaasahang ipiprisinta ng prosecution ang kanilang mga ebidensya.
Magugunitang na dismis ang kaso taong 2011 matapos mabigyan ng amnesty si Trillanes ng dating Pangulong Noynoy Aquino III subalit binawi ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 572 dahil sa kakulangan umano ng amnesty requirements.
September 25, 2018 inilabas ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda na may factual at legal basis ang nasabing proklamasyon ng Pangulong Duterte.