Kanselado ang naka-schedule na Senate hearing ngayong araw kaugnay ng pagkakapatay sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Dahil sa sama ng panahon ay nagdesisyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na hindi na ituloy ang pagdinig ngayong araw.
Nakatakda rin sanang talakayin sa pagdinig ang pagkakapatay ng Caloocan City Police sa binatilyong si Carl Angelo Arnaiz.
Maliban dito, nakatakda ring humarap ang taxi driver na si Tomas Bagcal na umano’y hinoldap ni Arnaiz.
Samantala, suspendido rin ang pasok ng mga emplayedo ng Senado ngayong araw.
(Ulat ni Cely Bueno)