Hindi na itutuloy ni Senate Committee on Public Order Chairman Ping Lacson, ang pagdinig sa Oplan Tokhang sa Huwebes, Pebrero 2.
Sinabi ni Lacson na ito ay dahil binuwag na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti – Drugs Unit nito para matutukan ang paglilinis sa hanay ng pulisya.
Sinabi ni Lacson na sa mabilis na pagkilos ng Pangulo ay natamo na ng kanyang komite ang hangarin sa imbestigasyon.
Sinabi ni Lacson na dahil hindi na nila itutuloy ang pagdinig sa Oplan Tokhang, kanila nalang munang tutukan ang iba pang mahalagang panukalang batas.
By: Katrina Valle / Cely Bueno