Itinakda na sa susunod na linggo ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang pagdinig sa hirit ng DOJ na isyuhan ng warrant of arrest at hold departure order si Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Atty. Rey Robles, abogado ni Trillanes, sa Oktubre 5, Miyerkules ay ilalatag nila ang mga ebidensya para patunayan na naghain ng application for amnesty ang senador.
Dahil hindi pa nagpalabas ang korte ng anomang kautusan, minabuti naman ng Trillanes na umuwi muna sa kanilang tahanan matapos ang ilang linggo pananatili sa senado.
Una nang nakapag piyansa si Trillanes matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Makati RTC Branch 150 para sa kasong rebelyon.
Trillanes, magbabalik trabaho na sa Senado
Hindi pa rin natinag si Senador Antonio Trillanes sa pag-ungkat sa mga posibleng kinasasangkutang korupsyon ng ilang taong malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos na ipagpaliban ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.
Ayon kay Trillanes, dahil dito ay may panahon pa siyang hilingin sa Senate Blue Ribbon Committee na silipin ang mga kontratang pinasok sa gobyerno ng mga kaanak nina Solicitor General Jose Calida at Special Assistant to the President Christoper Bong Go.
Aniya, tama lamang na ipaliwanag ng dalawa ang milyong pisong kontrata na nakuha ng kanilang pamilya habang sila ay nasa puwesto.