Magsasagawa na ng public hearing ang Commission on Elections o COMELEC para sa gagawing botohan sa mga shopping malls.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, gaganapin ito sa November 27, alas-10:00 ng umaga sa Palacio del Gobernador sa Maynila.
Sinabi ni Bautista na nais nilang marinig ang panig ng publiko kaya’t magiging bukas ito para sa lahat ng mga partido.
Una nang nanawagan sa COMELEC si Senate Electoral Reforms Comittee Chairman Koko Pimentel na huwag nang ipursige ang konsepto ng botohan sa mga malls dahil wala itong legal na basehan.
Sinasabing aabot sa 2 milyong botante ang masasaklaw ng mga botohan sa malls.
By Jelbert Perdez