Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) sa December 16 ang hearing sa petisyon laban sa presidential run ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang substitute candidate ng PDP-Laban.
Gayunman, sa December 15 na ilalabas ng COMELEC ang “certified list” ng mga kandidato para sa 2016 elections kaya’t tila imposible ng mapasama si Mayor Digong sa naturang listahan.
Ang petisyon laban sa substitution kay Duterte ay inihain ng isang Ruben Castor na iginiit na hindi balido ang pag-substitute ng alkalde dahil ang orihinal na kandidato ng PDP-Laban sa pagka-pangulo ay si Martin Diño ay naghain ng certificate of candidacy para sa pagka-Mayor ng Pasay City.
Ipinaliwanag ni Castor na ang certificate of candidacy sa pagka-alkalde ng Pasay ang maaaring i-withdraw ni Diño at hindi ang pagka-pangulo.
Magugunita noong November 27 ay naghain ng COC si Duterte para sa pagka-presidente matapos ang urong-sulong na desisyon.
By Drew Nacino