Ipinagpaliban na ang petsa ng pagdinig sa reklamong pagpapalit ng script o hashcode sa transparency server ng COMELEC noong May 9 elections.
Ngayong araw isasagawa ang paunang imbestigasyon sa akusasyon ng kampo ni Senador Bongbong Marcos na pinalitan umano ang hashcode para magbago ang takbo ng bilangan at pumabor sa noon ay kalabang si Vice President-elect Leni Robredo.
Gayunman, hindi sumipot ang Smartmatic o ang sinuman sa kinatawan nito at tanging ang kampo ni Marcos sa pangunguna ng kanyang campaign adviser na si Abakada Partylist Rep. Jonathan dela Cruz ang dumalo.
Itinakda sa June 30 ang pagsasagawa ng preliminary investigation hinggil sa akusasyon at umaasa ang kampo ng senador na dadalo na ang Smartmatic upang maipaliwanag ang panig nito.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)