Ipinagpaliban ang nakatakda sanang panibagong pagdinig ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies hinggil sa hindi maipaliwanag o napakaraming bank accounts ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista.
Nagpalabas na ng abiso ang tanggapan ni Senador Chiz Escudero, Chairman ng komite, kaugnay sa postponement ng hearing.
Ito’y dahil magsasagawa pa rin ng morning at afternoon session ang Senado para sa sinisikap na maipasang mga panukalang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN at 2018 National Budget.
Pagpapaliwanagin sana si Bautista sa umano’y mga kaduda – dudang mga bank account sa Luzon Development Bank.
Samantala, magpapalabas ng bagong abiso ang tanggapan ni Escudero kung kailan isasagawa ang pagdinig.