Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ride-hailing company na Grab Philippines kung paano ang computation nito ng pasahe at surge rates.
Sa muling pag-arangkada ng pagdinig kahapon, inatasan ni LTFRB Board Member, Atty. Mercy Paras-Leynes ang Grab na maglabas ng mas detalyadong eksplanasyon.
Ipinunto naman ni Grab Legal Counsel, Atty. Jason Arteche na ipinatutupad ang surge fare kapag walang gaanong mga sasakyang mag-a-accommodate ng malaking bilang ng mga pasahero.
Una nang inireklamo ng Lawyers for Commuter Safety and Protection sa LTFRB na naaabuso ang surge rates kaya’t dapat magkaroon ng malinaw na patakaran upang hindi malagay sa alanganin ang mga pasahero.