Naghain si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Lorenz Defensor ng House Resolution 270 na nagsusulong ng pagdinig hinggil sa milyon-milyong bakuna laban sa COVID-19 na na-expire.
Sinabi ni Defensor, target ng pagdinig na matukoy ang dahilan ng pagkasayang ng nasa 20-M na doses ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P13-B.
Mahalaga aniya na marinig ang panig ng Department of Health (DOH), gayundin ng mga private sector at Local Government Units (LGU) upang malaman kung ano ang naging problema.
Sa Budget Briefing sa kamara ay nauna nang sinabi ng DOH na ang mga na-expire na bakuna kontra COVID-19 sa bansa ay hindi mula sa “procurement” ng national government.