Naniniwala si Vice President Leni Robredo na para sa ikabubuti ng bansa ang pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.
Magugunitang kinontra ni Pangulong Duterte pagdating nito mula Thailand ang mga nilulutong impeachment laban kay Robredo.
Ayon kay sa Pangalawang Pangulo, hindi naman talaga makabubuti sa bansa kung itutuon ng Kongreso ang atensyon nito sa mga impeachment case laban sa kanila ni Duterte.
Mahihinto lamang anya nito ang napakaramaing trabaho ng mga mambabatas.
Unang sinampahan ng impeachment complaint si Pangulong Duterte sa Kamara habang naka-umang na ring sampahan ng impeachment case si Robredo sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo.
By: Drew Nacino