Kasabay ng pagsalubong sa taong 2016, bahagyang naging maulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig probinsya.
Sa kabila nito, naging masaya ang pagsalubong ng mga Filipino sa 2016.
Kabi-kabilang new year countdown ang isinagawa kabilang na sa lungsod ng Makati kung saan mayroon pa silang fireworks display.
Ang ilan ay pinili na lamang na huwag nang gumamit ng paputok dahil mababasa lamang ang kanilang mga biniling paputok.
Habang ang iba, sinalubong ang bagong taon ng masasaya at maiingay gamit ang malalakas na tugtugan, mga torotot at pagbusina ng mga sasakyan.
By: Meann Tanbio