Ang sariling wika ang magiging batayang lakas sa paglinang ng kultura sa paglipas ng panahon.
Binigyang diin ito ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang ng Pilipinas sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.
Sinabi ni PBBM na higit kailanman ay dapat panatilihing matatag ang lingwistikong pundasyon sa Filipino at palagiang isaisip at isapuso na tayo lamang ang makapagpapatibay ng wikang taal sa pagkakakilanlan natin.
Napapanahon aniyang paalalahanan ang ating mga sarili na ang Filipino ay hindi limitado sa mga salitang likas lamang sa Tagalog kundi kalipunan ng iba’t ibang mga wika sa buong bansa na siyang magbubuklod sa lahat tungo sa pagsulong ng mas maunlad at nagkakaisang republika. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)