Binatikos ng militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay BAYAN Chairperson Carol Araullo, walang pagbabago ang bansa 30 taon matapos mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Isa na lamang anyang ritwal ang pagdiriwang ng EDSA anniversary dahil nagpapatuloy ang demokrasya na para lamang sa mga elitista.
Iginiit ni Araullo na genuine freedom ang hiling ng taumbayan na higit pa sa kalayaan sa pagboto.
Magugunitang hindi pinahintulutan ang BAYAN na makapaglunsad ng protesta sa People Power Monument, kahapon.
By Drew Nacino