Hiniling ng Pamilya Marcos sa Armed Forces of the Philippines o AFP na gawing pribado ang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City, sa Lunes, Setyembre 11.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo, nakiusap ang pamilya Marcos na huwag nang ipa-cover sa media ang aktibidad.
Nasa diskresyon aniya ng pamilya kung sino ang papapasukin sa loob ng sementeryo para dumalo sa pagdiriwang at hindi rin makalalapit ang mga raliyista.
Magkatuwang aniya ang Philippine Army at Philippine National Police sa pangangalaga sa seguridad sa loob at labas ng Libingan ng mga Bayani.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE