Dinagsa naman ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiwalay na pagdiriwang ng ika-tatlumpu’t isang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Quirino grandstand sa Maynila.
Inilarga ang nasabing aktibidad upang tapatan umano ang puwersa ng mga anti-Marcos at anti-Duterte group sa People Power Monument sa EDSA.
Ayon kay Constancio Tiongco ng Duterte National Executive coordinating Committee, tinatayang dalawandaan dalawampung libo katao ang dumalo sa kanilang aktibidad sa Luneta.
Kabilang sa mga dumalo at umakyat sa entablado sina Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Communications Secretary Martin Andanar, Tourism promotions board head Cesar Montano at whistleblower Sandra Cam.
Samantala, tinanong ni Aguirre ang crowd kung sino ang nais nilang sunod na ipaaresto.
By Drew Nacino