Pinahihigpitan ng National Task Force Against COVID-19 sa mga awtoridad ang pagpapatupad ng minimum health protocols upang maiwasan ang pinangangambahang second wave ng COVID-19 ngayong kapaskuhan.
Ito’y ayon kay national Task Force COVID Chief Implementer Sec. Carlito Galvez ay dahil sa inaasahan nilang tataas muli ang kaso ng COVID-19 sa panahong ito na maraming tao at malamig ang panahon.
Kabilang sa mga inatasa ni Galvez na maghigpit ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), mga lokal na pamahalaan at ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Regular ding magsasagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mall partikular na sa dining services kung nasusunod ba ang social distancing.
Kasunod nito, hinikayat ni Galvez ang mga may-ari ng malls na magpakalat ng marshals sa kanilang establisyemento upang matiyak na nasusunod ang minimum health standards.