Sinalubong ng mga taga-Wuhan City sa China ang Chinese Lunar New Year na tila walang dumaang pandemya ng COVID-19 sa nakalipas na isang taon.
Normal na namasyal ang mga residente ng wuhan sa mga pook pasyalan at ginawa ang kanilang mga tradisyon sa pamamagitan ng mga paliaw at magarbong salu-salo.
Gayunman, bakas pa rin ang takot sa mga residente ng wuhan dahil hindi na nila piniling lumabas pa ng lungsod para bisitahin ang kanilang mga ka-anak na nasa karatig lugar lamang.
Bahagi na ng tradisyon ng mga tsino ang umuwi sa kani-kanilang pamilya o ka-anak upang sama-samang kumain at magdiwang sa pagpapalit ng taon.
Habang ang ilan naman ay mas piniling alalahanin ang mga namayapang mahal sa buhay lalo na iyong mga naunang ginupo ng nasabing virus mula nang magsilbi itong episentro ng coronavirus disease nuong taong 2019.