Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagdiriwang ng National Teachers’ Day ngayong araw sa Abra Sports Complex sa Bangued kasama ang Department of Education – Cordillera Administrative Region (DepEd-CAR).
Nilahukan ng 4,000 mga guro ang pinaka-unang in-person celebration ng Teachers’ Day matapos ang dalawang taong COVID-19 pandemic.
Nagsilbi bilang guest of honor para sa aktibidad si First Lady Liza Araneta-Marcos na nagbigay ng inspirational message sa mga guro.
Pinuri din ni Araneta-Marcos ang effort ng mga guro sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.
Maliban kay Duterte, kabilang din sa dumalo ang mga opisyal ng DepEd mula sa Central Luzon, Regional at School Division Offices, local government officials at mga partner ng DepEd mula sa private at non-government organizations.