Magiging malamig at maulan ang pagdiriwang ng Pasko sa darating na linggo.
Ayon sa PAGASA, bunsod ito ng northeast monsoon o amihan na nakakaapekto sa Quezon Province, Cagayan Valley, Aurora, at ilang parte ng Southern Luzon kabilang ang Palawan.
Uulanin din ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, at Davao Region dahil sa shear line na nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon at ang trough o extension ng low pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Tiniyak naman ng PAGASA na mababa ang tiyansang pumasok sa bansa ang LPA.
Sa ngayon, maliban sa nabanggit na lugar ay posibleng makaranas ng pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bunsod naman ng localized thunderstorm.