Mas magiging maganda ang pasko ng mga Pilipino ngayong 2022 kumpara noong mga nagdaang taon.
Ayon ito kay OCTA Research Professor Ranjit Rye matapos luwagan ng gobyerno ang mga ipinatupad na restriksyon laban sa COVID-19.
Nagbago na rin aniya ang metrics na sinusunod ng pamahalaan sa kasalukuyan at nananatiling manageable ang variants ng COVID-19 sa bansa.
Kaya’t ito ani Rye ang dahilan kung bakit positibo ang grupo na magiging maganda ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon.