Magiging kakaiba ang pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas ngayong taon.
Ito ang binigyang diin ni Health Secretary Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire kumpara sa pasko na ipinagdiriwang nuong nakaraang dalawang taon kung saan may mga restriksyon pa ring ipinatutupad.
Iginiit ni Vergeire na marami na ring panlaban ang bansa sa COVID-19 kung saan naging eksperto na ang mga doktor sa Pilipinas sa paggamot ng virus.
Ipinagmamalaki din ng opisyal na mas handa na ngayon ang mga ospital na tanggapin at gamutin ang mga pasyente ng COVID-19 kumpara sa mga nakaraang taon.
Ipinunto rin ni Vergeire na nasa 73.7 million filipinos ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang nasa 21 million naman ang nakatanggap ng booster shots.