Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, walang naitalang untoward incidents o krimen sa Metro Manila ngayong Pasko.
Gayunman, apat ang naaresto kabilang ang isang pulis, dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.
Kahapon ay nag-inspeksyon ang NCRPO sa mga pangunahing pasyalan tulad ng Luneta, Maynila at sea side ng Mall of Asia, Pasay.
Sa ngayon anya nakatutok na ang NCRPO sa pagbabantay para sa nalalapit na Bagong Taon.
Campaign vs. indiscriminate firing
Samantala, paiigtingin pa ng PNP ang kampanya laban sa indiscriminate firing lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, inatasan niya ang kanyang mga tauhan na lusubin o lugar kung saan may naririnig na nagpapaputok ng baril.
Sa ganitong pagkakataon aniya ay hindi na kailangang magpakita pa ng search warrant sa harap na rin ng prinsipyo ng “hot pursuit”.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na hindi na bubusalan ang baril ng mga pulis ngayong nalalapit na ang Bagong Taon.
—-