Naging generally peaceful ang pagdiriwang Pasko sa Metro Manila.
Ito ang naging pagkumpira ng Philippine National Police National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) kasunod ng kanilang isinagawang inspeksyon sa ilang matataong lugar sa kalakhang Maynila.
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, walang anumang untoward incident na naitala sa mga nagtungo sa simbahan at iba pang lugar.
Samantala, tinataya namang nasa limang libong (5,000) inbiduwal ang nagdiwang ng Pasko sa Rizal Park kagabi.
Kasunod nito ay ang tambak na basura na iniwan ng mga bisita kabilang ang pinaglagyan ng kanilang mga Noche Buena at mga karton na ginamit bilang sapin sa parke.
Samantala, higit isang libong (1,000) miyembro ng mga katutubo ang naialis ng National Capital Region Police Office sa mga kalsada ng Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, ang naturang bilang ay bunsod ng operasyon para nailigtas ang mga katutubo simula pa noong Disyembre 11.
Aniya, higit dalawang daan (200) sa mga ito ay mga Aeta habang isang daan at siyamnapu’t walo (198) ay mga Badjao kung saan karamihan ay mga bata.
Kaugnay nito, kumikilos na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapauwi sa probinsya o kaya ay madala sa kanilang kaanak ang katutubo.
—-