“Generally peaceful” ang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
Ayon kay PNP National Capital Region Police Office Director Major General Jose Melencio Nartatez Jr., ito’y dahil naging maayos ang koordinasyon sa pagitan ng security forces at stakeholders gaya ng local government unit ng Maynila, mga deboto at simbahan.
Bagama’t may mga naitalang sugatan na aabot sa pitong daang katao.
Wala namang naitalang malalang krimen sa pagdiriwang ng pista ng Black Nazarene, kahapon.