Ipinagbawal sa isang distrito sa hilagang kanluran ng Pakistan ang pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.
Ipinag-utos ng pamahalaang lokal ng Kohat sa mga pulis na ipatigil ang pagbebenta ng Valentine’s Day cards at iba pang item na may kinalaman sa okasyon bukas.
Giit ng mga taga-Kohat, walang legal na basehan ang pagdiriwang ng Valentine’s Day at ito ay labag aniya sa kanilang relihiyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Kohat, wala namang masama sa pagbibigay ng card at bulaklak ngunit ang pag-unay nito sa okasyon ang hindi anila katanggap -tanggap at maituturing na pagkunsinti sa obscene behavior.
By Ralph Obina