Inakusahan ng isang mambabatas ang management ng Metro Rail Transit na itinago ang insidente ng pagkadiskaril ng isang bagon ng kanilang train para pagtakpan ang negligence at efficiency ng maintenance provider nito.
Sinabi ni Congressman Jericho Nograles na Martes ng gabi nangyari ang pakadiskaril ng bagon sa North Avenue Station sa Quezon City matapos magbaba ng mga pasahero.
Ito aniya ang unang insidente na nadiskaril ang bagon ng MRT at indikasyong seryoso ang problema sa MRT.
Kaiba aniya ang insidente noong Martes sa nangyari noong August 2014 nang sumadsad anng isang train ng MRT sa Taft Avenue matapos makapaghatid ng pasahero.
Busan Universal Rail Incorporated pinagpapaliwanag
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Dept. of Transportation and Communications ang maintenance provider ng MRT 3 kung bakit may naganap na pagkadiskarkil sa bagon ng train noong Martes.
Sinabi ni Undersecretary for Rails Cesar Chavez na binigyan niya ng pitong araw ang Busan Universal Rail Incorporated (BURI) para ipaliwanag kung ano ang nangyari.
Kapag hindi maayos ang maging paliwanag ng BURI ay maaaring makansela ang kontrata nito sa gobyerno.
Binigyang-diin ni Chavez na hindi niya hahayaang makompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero dahil lamang sa kapabayaan dahil nagbabayad naman ang gobyerno sa nabanggit na kumpanya para maging maayos ang maintenance ng mga train ng MRT.
By: Aileen Taliping