Kaduda-duda ang desisyon ng Commission on Elections o COMELEC sa disqualification cases laban kay Senadora Grace Poe.
Ito ang binigyang diin ni Professor Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform o IPER.
Giit ni Casiple, dating mga kasapi umano ng Liberal Party o LP ang mayorya ng mga miyembro ng komisyon.
Dahil dito, sinabi ni Casiple na hindi maiiwasang pagdudahan ng mga mamamayan ang hatol ng poll body.
Aniya, posibleng magdulot ng sigalot ang desisyong ito ng COMELEC lalo’t hindi umano papayag ang mga botante na pipili sila ng kandidato base sa pasya ng ahensya.
By Jelbert Perdez