Naghain na ng petisyon sa COMELEC ang ilang grupo upang kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) sa 2022 National Elections ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Kabilang sa mga naghain ng limampung pahinang Petition to Cancel or Deny Due Course the COC ang Task Force Detainees of the Philippines, kapatid-families and friends of political prisoners at medical action group.
Ayon sa mga petitioner, naglalaman ang COC ng dating senador ng “Multiple False Material Representations”.
Dapat anilang i-disqualify si Marcos makaraang ma-convict sa Tax Evasion Case noong 1995 dahil sa kabiguang maghain ng kaniyang income tax returns.
Oktubre a-10 nang maghain ng COC si Marcos para sa pagka-Pangulo sa 2022 Elections. —sa panulat ni Drew Nacino