Bumabagal na ang doubling time ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Pilipinas.
Ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay resulta ng mahigit isang buwang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Sinabi ni Vergeire na batay sa pahayag ng mga expert, mula sa tatlong araw, bumagal pa ang doubling time sa limang araw na malaking improvement.
Ngangahuluganito aniya na kung dati rati, sa loob ng tatlong araw ay dumo-doble ang mga kaso, ngayon ay mas matagal na o halos limang araw na ang average.
Inihayag ni Vergeire na target ng gobyerno na umabot sa 30 araw ang doubling time ng COVID-19 sa Pilipinas.