Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management o DBM at iba pang kinauukulang ahensya na simulan na ang pag-aaral para sa pagdoble ng sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kabilang ito sa binanggit ni Pangulong Duterte sa isinagawang cabinet meeting kahapon sa palasyo ng Malacañang.
Pahayag ni Roque, nakapaloob sa second tax reform package ang kautusan ng pangulo para sa nakatakdang pagtataas ng sweldo ng lahat ng public school teachers sa buong bansa.
Ginawa ng punong ehekutibo ang phayag kasunod ng matagumpay na pagpapatupad ng salary increase ng mga miyembro ng AFP at PNP.