Naniniwala ang IBON Foundation na dapat nang ikabahala ang dumoble pang utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation sa kabila ng pagtitiyak ng Department of Budget and Management (DBM) na wala namang dapat ikatakot ang lahat.
Ayon kay Africa, dapat nang ikabahala ang paglaki ng halaga ng utang ng bansa.
Sapat namang dahilan dito ang pinaplano nang pagtaas ng buwis na binabayaran para mabawasan ang utang ng Pilipinas.
Mula sa P6-T utang na minana ng Administrasyong Duterte sa Administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, umakyat pa ito ng P12-T ngayon.
Naniniwala naman ang ospiyal na makokontrol pa ito ng susunod na administrasyon kung mananatili ang economic growth ng bansa.