Itinanggi ng hepe ng San Quintin, Pangasinan PNP ang balitang dinukot ng NPA o New People’s Army ang kanilang mayor na si Clark Cecil Tiu.
Ayon kay Albano, nakausap pa niya si Tiu na kagagaling lamang sa Palawan at tiniyak nito na nasa maayos siyang kondisyon.
Giit ni Albano, fake news ang kumakalat sa mga social media na nagpalabas ng alerto ang police provincial office ng Tarlac na inatake umano ng NPA ang mga bayan ng San Quintin, San Nicolas at Natividad sa Pangasinan.
Aniya, tanging ang bayan lamang ng San Nicolas ang apektado ng pagsalakay ng NPA kung saan isang pulis ang nasawi.