Sinupalpal ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) maging ang pangulo nitong si Philip Ella “Popoy” Juico dahil sa pag-akyat nito sa kaso ni Pole Vaulter EJ Obiena sa Court of Arbitration for Sport (CAS).
Ayon sa POC, naghain si Juico ng “statement of appeal” noong Pebrero a–11 sa POC at Obiena bilang mga respondent sa CAS, na naka-base sa Lausanne, Switzerland.
Nakarating sa CAS ang apela apat na araw matapos magkasundo sina Obiena at PATAFA na muling pumasok sa pamamagitan ng pagdinig sa senado noong Pebrero a–7.
Kinuwestiyon naman ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino ang motibo ng PATAFA sa likod ng pagsasampa ng kaso.
Isa anya itong “paglabag sa integridad at paglalagay ng hadlang sa pagsisikap na pinamumunuan ng senado na pahupain ang krisis sa pamamagitan ng domestic effort.”