Makabubuting deadmahin na lamang ng pamahalaan ang pagdulog ni Vice President Leni Robredo sa United Nations (UN) para ireklamo ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas dahil sa giyera kontra droga.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni dating Ambassador to the United Nations Lauro Baja na maaaring mailagay lamang ito sa archives ng UN kung wala namang mangyayaring follow up dito.
Posible rin anyang maisama ito sa report ng UN Commission on Narcotic Drug sa UN General Assembly subalit makakabilang lamang ito sa napakakapal na report ng bawat komisyon.
Ayon kay Baja, ang karaniwang dumudulog sa UN para magreklamo ay mga non-government organizations (NGOs).
Hindi anya maganda na ang mga pananaw ng pinakamatataas na pinuno ng isang bansa ay inihahayag sa United Nations tulad ng ginawa ni Robredo dahil siguradong negatibo ang magiging pananaw ng international community sa Pilipinas.
“Whatever justification or circumstances under which was made, walang positive effect it’s more on the negative side, we continue to be in a state of storming display of disunity in our country and this is one instance.” Pahayag ni Baja
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)