Nanindigan si US President Barack Obama na nananatili pa rin sa kanyang prayoridad ang pagdurog sa Islamic State group.
Ayon kay Obama, hindi titigil ang Estados Unidos hanggat hindi napupulbos at nagagapi ang ISIS.
Kasabay nito, nananwagan din si Obama sa mga kaalyado nitong bansa na panatilihin ang pressure sa mga terorista gamit ang intelligence at military operations.
Iginiit ni Obama na hindi maaaring kunsintihin ang mga pag-atakeng ginagawa ng ISIS kung saan maraming inosenteng buhay ang nadadamay.
By Ralph Obina