Hinimok ni Philippine Coast Guard admiral Artemio Abu ang Chinese government na irespeto at panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Abu kasabay ng courtesy call nito kay Chinese Ambassador Huang Xilian.
Ginanap ang pagpupulong ilang araw lamang matapos ang insidente malapit sa Pag-Asa Island, kung saan puwersahang kinuha ng Chinese Coast Guard ang mga rocket debris na hinihila ng isang philippine navy team.
Ayon kay Abu, sinabi niya ang lahat ng hinaing ng bansa sa ambassador ng China, bilang estratehiya upang panatilihin ang magandang ugnayan sa mga katabing bansa lalo na ang Beijing.
Matatandaang sa isang kamakailang internasyonal na pagtitipon, inulit ni Abu ang panawagan para sa lahat ng mga coast guard sa rehiyon na magkaisa sa pagpapakita ng paggalang sa tungkulin ng bawat isa.
previous post