Iginiit ng iba’t ibang grupo sa hudikatura ang judicial independence ng walong mahistrado na pumabor sa inihaing Quo Warranto Petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Iyan ang nagkakaisang pahayag ng Philippine Judges Association, Philippine Association of Court Employees, Supreme Court Assembly of Lawyer at Supreme Court Employees Association.
Batay sa inilabas na pahayag ng mga nabanggit, dapat igalang ang ekslusibong kapangyarihan ng walong mahistrado ng Korte Suprema na magbigay kahulugan at pagkilos ng naaayon sa Saligang Batas.
Bagama’t kinikilala ng mga ito ang freedom of speech bilang bahagi ng demokrasya subalit may hangganan ang mga ito at hindi dapat tinatakot, binabastos o di kaya’y hinihiya ang mga mahistrado para pahinain ang hudikatura.