Posibleng umabot sa 4.6 hanggang 5.4 percent ang inflation rate o paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Mayo.
Kumpara ito sa 4.5 percent na naitalang inflation rate noong Abril.
Ito, ayon sa Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ay dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna nang walang tigil na kaguluhan sa middle east.
Gayunman, bahagyang makaluluwag ang mga consumer dahil sa inaasahang pagbaba ng singil sa kuryente partikular ng Meralco sa oras na magsimula ang tag-ulan.
Samantala, tiniyak naman ng BSP na mananatili silang mapagmatyag sa presyo ng mga pangunahing bilihin.