Inihayag ng Electric Power Distribution Company o Meralco na ang paggalaw ng presyo sa International Market ay nakakaapekto sa mga planta na gumagamit ng natural gas.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Claire Feliciano, PR Head ng Meralco, na bagamat domestic produce ang Malampaya Natural Gas ay nakabench mark ito sa international crude prices kaya patuloy itong tumataas.
Sinabi ni Feliciano na ang adjustment ng Meralco sa bill ng kanilang mga customer ay ngayong Abril pa lamang ipatutupad pero hindi pa nila masabi ang paggalawa sa singil ng kuryente dahil hinahantay pa nila ang billings mula sa mga suppliers para sa buwan ng Abril.
Sa ngayon, nakikipag ugnayan na ang Meralco sa Department of Energy at iba pang miyembro ng energy industry para masiguro ang availability ng kuryente ngayong summer at maiwasan ang power interruption lalo na pagdating ng halalan.
Samantala, nagpaalala naman si Feliciano sa kanilang mga kustomer upang makatipid sa kuryente. —sa panulat ni Angelica Doctolero