Inaasahang magkakaroon na rin ng paggalaw sa presyo ng lokal at imported na bigas sa mga susunod na buwan sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), patuloy kasi ang pagtaas ng ilang kailangan sa produksyon ng bigas gaya ng abonoat krudo.
Dahil dito,posibleng umakyat na sa P46 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice mula sa kasalukuyang P38.
Paliwanag ng DA, nasa P24 na kasi ang production cost sa kada kilo ng bigas na higit na mas mataas kumpara sa dating P17 hanggang P19 kada kilo.
Maliban dito, lumulobo na rin ang gastos ng mga trak na maghahatid sa mga bigas patungong merkado.