Posibleng magkaroon ng pagbabago sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ng Department of Energy matapos maganap ang pagpapasabog sa dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia.
Ayon sa DOE, sa Oktubre malalaman kung mahahatak din ba ng nasabing insidente ang presyo ng LPG.
Karaniwan din aniya kasing tumataas ang presyo ng crude oil at LPG kapag yultide season o buwan ng kapaskuhan.
Ginagamit kasi bilang heating fuel ang LPG sa malamig na mga buwan ng nabanggit na panahon.
Tuwing katapusan ng buwan nagpapatupad ng pagtaaas at pagbaba ng presyo ng LPG.