Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, Nobyembre 10.
Sa abiso ng Shell, Seaoil, Petron, Caltex, PTT Philippines, Petro Gazz at Unioil, may tapyas itong 20 sentimos sa kada litro ng kanilang gasolina habang may dagdag naman itong 20 sentimos sa kada litro ng diesel.
40 sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas ng Shell, Seaoil, Petron at Caltex.
20 sentimos ang kaltas sa kada litro ng gasolina ng cleanfuel, habang walang magiging pagbabago sa presyo ng kanilang diesel.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz, Seaoil, Petron, PTT Philippines at Unioil mamayang alas-6 at bandang 8:01 ng umaga naman sa cleanfuel.