Ilalarga ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Martes.
Magpapatupad ng taas presyo ang kumpanyang Shell, Seaoil at Petro Gazz ng P10¢ kada litro ng diesel at P60¢ kada litro ng gasolina.
Magbabawas presyo ang kumpanyang shell at seaoil ng P5¢ kada litro ng kerosene.
Habang P60¢ ang bawas presyo ng clean fuel sa kada litro ng kanilang gasolina ngunit walang paggalaw sa presyo sa kanilang diesel.
Epektibo ang taas presyo mamayang alas-6 ng umaga samantala mamayang alas-4 naman ng hapon mag-a-adjust ang kumpanyang cleanfuel.